Apela ni Trillanes sa Makati RTC, tinutulan ng DOJ
Nagsumite ng kanilang oposisyon ang Department of Justice (DOJ) sa apela ni Senator Antonio Trillanes IV sa Makati Regional Trial Court Branch 150.
Sa isinumiteng comment/opposition, tinutulan ng DOJ ang inihaing motion for reconsideration ni Trillanes.
Binigyan naman ni Makati RTC Branch 150 Judge Elmo Alameda ang kampo ni Trillanes ng limang araw para maghain ng rejoinder sa comment ng DOJ.
Tinututulan ng kampo ni Trillanes ang mosyon ng DOJ na maglabas ng warrant of arrest laban sa kaniya ang korte.
Isinusulong ng DOJ na buhayin ang kasong rebelyon ni Trillanes sa Branch 150 at ang kasong kudeta sa Branch 148.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.