Kontrata sa printing ng balota para sa 2016 aprubado na sa Comelec
Naaprubahan na ng Comelec En Banc ang kontrata sa National Printing Office na mag-iimprenta ng official ballots para sa 2016 elections.
Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, ang kada balota na iimprenta ng NPO ay nagkakahalaga ng limang piso.
Pero magbabayad ng karagdagang limang piso at anim na pung sentimo ang Comelec para sa gagamiting ink at iba pang consumables.
Samantala, inanunsyo rin ng Comelec na may nahanap na silang bagong warehouse na pag-iimbakan ng mga election materials, equipment at paraphernalia.
Ayon kay Comelec Commissioner Christian Robert Lim, ang warehouse ay nasa Sta. Rosa Laguna na pag-aari ng JAM Liner.
Ito ay may lawak na 48 libong square meters at ang kontrata para sa isang taon ay nagkakahalaga ng 69-milyong piso.
Nai-award na umano ang kontrata para nasabing pasilidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.