Filipino doctor arestado sa drug bust sa New York
Naaresto sa ikinasang drug bust sa New York ang isang Filipino doctor kasama ang 8 iba pang medical professionals.
Ang Pinoy na suspek ay kinilalang si Dr. Dante Cubangbang, 50 anyos na nag-ooperate ng medical clinic.
Ang mga suspek ay inaakusahang nangulekta ng milyun-milyong dilyar sa pag-prescribe ng oxycodone pills.
Ayon sa reklamo, si Cubangbang at ang nurse na si John Gargan ay nag-prescribe ng mahigit 6 na milyon ng nasabing gamot sa mga taong alam naman nilang hindi ito kailangan.
Reklamong conspiracy to distribute controlled substances ang isinampa laban kay Cubangbang, Garan, at mga suspek na sina Michael Kellerman at Loren Piquant.
Nahaharap din sina Cubangbang, Garan, at Kellerman sa reklamong conspiracy to commit health care fraud at conspiracy to commit money laundering.
Maliban sa apat na nabanggit na mga suspek, ang iba pang naaresto ay pawang mga duktor din.
Sa pahayag sinabi ni U.S. Attorney Geoffrey Berman na ang mga duktor at health professionals ay dapat mga pangunahing tagatiyak na hindi maaabuso ang paggamit ng opioid.
Pero ani Berman, sa ginawa ng mga suspek ay nagmistula silang mga drug dealers na nakatago sa white coat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.