Premyo sa Ultra Lotto P1,070,000,000 na

By Dona Dominguez-Cargullo October 12, 2018 - 07:58 AM SHARE(S):

Tumataginting na P1,070,000,000 na ang jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nasabing premyo ay as of Biyernes (Oct. 12) ng umaga.

Wala pa rin kasing nakakuha ng winning number combination noong nakaraang draw ng Ultra Lotto araw ng Martes.

Inaasahan pang madaragdagan ang nasabing halaga ng premyo hanggang mamayang gabi dahil marami na naman ang pipila sa mga lotto outlet para tumaya.

Samantala, sa draw ng Super Lotto 6/49 kagabi, wala nakapaguwi ng 15,840,000 na premyo.

Wala pa ring nananalo sa mahigit P73 million na jackpot prize para sa 6/42.

TAGS: pcso, Radyo Inquirer, Ultra Lotto, pcso, Radyo Inquirer, Ultra Lotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.