Bumalik na sa Democratic Party ang dating abogado ni US President Donald Trump na si Michael Cohen.
Ayon sa kampo ni Cohen, mula sa pagiging Republican binago na nito ang kaniyang registration sa pagiging Democrat.
Ang hakbang ay bahagi ng tuluyang pagdistansya umano ni Cohen sa kasalukuyang administrasyon.
Ang paglipat ay ginawa ni Cohen sa huling araw para sa mga New Yorkers na magparehistro para sa November elections.
Bago maging abogado ni Trump dati nang rehistrado sa Democrat si Cohen. Lumipat siya sa Republican noong March 2017.
Nanilbihan siya bilang finance chairman ng Republican Party pero nagbitiw din sa pwesto ngayong taon matapos ang imbestigasyon sa kaniyang mga negosyo.
MOST READ
LATEST STORIES