Filipino Chinese at Taiwanese arestado sa Iligan City dahil sa rice hoarding

By Dona Dominguez-Cargullo October 12, 2018 - 07:03 AM

Arestado ang dalawang rice hoarders kabilang ang isang dayuhan sa Iligan City matapos matuklasan ang libu-libong sako ng mga bigas sa kanilang warehouse.

Ayon kay National Food Authority (NFA) Acting Administrator Tomas Escarez 40,000 na sako ng mga bigas ang natuklasan nilang itinatago sa apat na warehouse na pag-aari nina Sonia Payan, isang Filipino-Chinese at ni Jhonny Tan, na isang Taiwanese.

Ani Escarez ang dalawang negosyante ang unang nadakip sa pinaigting na kampanya kontra
rice hoarding ng administrasyong Duterte.

Kasama ng NFA sa ginawang pagsalakay ang mga miyembro ng Sub-Committee on Rice Hoarding, Cartel and Smuggling na kinabibilangan ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA), National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Customs (BOC), Philippine National Police (PNP), Philippine Ports Authority (PPA), Dept. of Trade and Industry (DTI), Philippine Coast Guard, at Department of Labor and Employment.

Ayon kay Escarez ang mga nakuhang dokumento sa dalawang traders ay hindi tumutugma sa kanilang stock inventory.

Kinumpiska ng NFA ang sako-sakong mga bigas na nadatnan sa apat na warehouse.

TAGS: DA, iligan citiy, NHA, rice hoarding, warehouse, DA, iligan citiy, NHA, rice hoarding, warehouse

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.