Lalaking nakikipag-inuman lang sa pinsan, pinagbabaril sa Caloocan

By Rhommel Balasbas October 12, 2018 - 06:38 AM SHARE(S):
Police banner

Pinagbabaril ang isang lalaki sa labas ng isang KTV Bar sa Barangay 123, Caloocan City alas-10:30 kagabi.

Ayon sa impormasyon mula sa Caloocan Police, nakilala ang biktima na si George dela Cruz, 43 anyos at residente rin sa Barangay 22 ng lungsod.

Nakikipag-inuman lang umano ito sa kanyang pinsan nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Nagtamo ng sugat si Dela Cruz sa tiyan at agad na isinugod sa MCU Hospital.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo sa krimen.

Sa ngayon ay naka-confine pa sa ospital ang biktima at nakatakdang operahan.

TAGS: ambush, caloocan city, Shooting Incident, ambush, caloocan city, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.