Hanging Amihan, nararamdaman na sa Extreme Northern Luzon

Wala pa ring namamataang sama ng panahon sa loob ng bansa sa kasalukuyan.

Sa 4am weather update ng PAGASA, ‘easterlies’ pa rin o hangin mula sa dagat-Pacifico ang nakakaapekto sa bansa.

Bunsod nito, magpapatuloy ang mainit na panahon sa buong bansa na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Smantala, sinabi ni PAGASA Weather Specialist Gener Quitlong na nararamdaman na ang northeast monsoon sa extreme northern Luzon.

Gayunman, hindi pa anya pwedeng magdeklara ang PAGASA ng Amihan Season dahil mas dominante pa rin ang easterlies sa bansa.

Read more...