Binansagang colorum leader na nanghihingi ng P80K sa mga operator, arestado

By Isa Avendaño-Umali October 12, 2018 - 12:21 AM

Inquirer file photo

Huli sa entrapment operation ang “colorum leader” ng isang sindikato na humihingi umano ng membership fee mula sa mga driver at operator.

Nakilala ang suspek na si Albert Bacalzo, na ang modus ay nanghihingi ng nasa P80,000 na participation fee mula sa mga driver at operator ng vans upang payagang makabiyahe sa Deparo, Caloocan City at Quezon City at protection money din laban sa panghuhuli.

Ayon kay Police Chief Superintendent Roberto Fajardo, ang pinuno ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), ang pag-aresto sa suspek ay plano at isinagawa ng pinagsanig na pwersa ng kanilang grupo, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), InterAgency Council for Traffic (I-ACT), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Hinimok ni Fajardo ang mga naloko ni Bacalzo na magtungo sa mga otoridad upang maihanda ang kasong estafa laban sa suspek.

Sa ngayon aniya ay may dalawang complainant na kay Bacalzo, pero kung mas maraming magrereklamo ay syndicated estafa ang isasampa laban sa kanya at upang non-bailable o hindi na makapagpiyansa.

Sa hiwalay namang statement, sinabi ni Martin Delgra, ang chairman ng LTRFB, na walang bayad ang prangkisa.

Tiniyak din nito na patuloy ang operasyon ng mga otoridad laban sa mga colorum na sasakayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.