Mister ni Speaker Arroyo, muling pinayagan ng korte na makapag-abroad

By Isa AvendaƱo-Umali October 12, 2018 - 01:00 AM SHARE(S):

Muling nakakuha ng permiso mula sa Sandiganbayan ang mister ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na si Atty. Mike Arroyo para makalabas ng bansa.

Pinagbigyan ng 7th division ng Sandiganbayan ang motion to travel ng dating first gentleman, na tutungo sa Tokyo, Japan, at Hong Kong mula October 27 hanggang November 27, 2018.

Dahil sa walang pagtutol ang proseksuyon, naging madali ang pagpayag ng korte sa mosyon ni Arroyo.

Gayunman, inatasan ng korte si Arroyo na sumunod sa mga kundisyong inilatag para sa biyahe nito sa abroad.

Ilang beses nang nakalabas ng Pilipinas si Arroyo sa kabila ng kinakaharap nitong kasong katiwalian dahil sa maanomalyang transakyon ng pagbebenta ng helicopter nito sa Philippine National Police (PNP) noong 2009.

Pinalabas ni Arroyo na brand new ang helicopter, pero ang totoo ay second pala ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.