PDP-Laban itinangging kandidato nila si Freddie Aguilar

By Len Montaño October 12, 2018 - 01:08 AM SHARE(S):

Itinanggi ng Partido Demokratiko Pilipino-Laban (PDP-Laban) na bahagi ng kanilang senatorial lineup si music icon Freddie Aguilar.

Ayon kay Ron Monsayac, head ng PDP-Laban public information, hindi nila kandidato bilang senador si Aguilar maski sa anumang ibang posisyon.

Bagamat malaya anya ang singer na ituloy ang pagtakbo bilang Senador, hindi ito bahagi ng partido.

Una rito ay naghain si Aguilar ng certificate of candidacy (COC) sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Manila at sinabi nito na tatakbo siyang senador sa ilalim ng PDP-Laban.

Sinabi naman ni Comelec Spokesperson James Jimenez na tatalakayin nila ang isyu sa pagitan ni Aguilar at PDP-Laban.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.