Manila city engineer, DPWH officials at iba pa kakasuhan ng Ombudsman

By Ricky Brozas October 12, 2018 - 01:05 AM

Inaksyunan ng Ombudsman ang reklamo ng isang barangay chairman laban sa mga opisyal ng Manila City Hall at pribadong contractor dahil sa kaso ng paglabag sa setback rule sa pagpapatayo ng mga gusali sa Chinatown.

Inatasan ng Ombudsman sina Manila Building Official at City Engineer Rogelio Legaspi, Reynaldo Algenio at Manuel Garcia, gayundin sina Atty. Johnson Domingo, Dean Cesar Billoso, Neale Jasper Mory Prieto, Gerard Onate at Victor Bedillo, pawang taga-Department of Public Works and Highways (DPWH) Central Office na maghain ng komento sa nabanggit na usapin.

Binigyan lamang ng 10 araw na palugit ng Ombudsman ang mga respondents upang isumite ang kanilang paliwanag.

Bukod sa mga nasabing respondent, dawit din sa usapin sina ang negosyanteng si Gerie Chua ng Eng Bee Tin at private contractor na si Jimi Lim, owner ng Ironcon Builder and Development Corp.

Nahaharap ang mga respondents sa paglabag sa R.A 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Presidential Decree No. 1096, mga kasong kriminal at administratibo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.