SWS: Mga reelectionist at nais magbalik sa Senado, nanguna sa survey

By Len Montaño October 12, 2018 - 12:24 AM SHARE(S):

Nanguna si Sen. Cynthia Villar sa bagong senatorial survey ng Social Weather Stations (SWS) sa nakuha nitong 53%.

Tabla sa 2nd at 3rd place ang isa pang reelectionist na si Sen. Grace Poe at ang nais namang bumalik sa Senado na si Taguig Rep. Pia Cayetano sa nakuha nilang tig 43%.

Tabla rin sa 4th at 5th place sina Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III at dating Senador Lito Lapid na nakakuha ng 33%.

Pang-anim sa 31% si dating Senador Jinggoy Estrada na bais makabalik sa Senado matapos ang 3 taong pagkakulong dahil sa plunder charges.

Sumunod si dating Senador at Interior Sec. Mar Roxas na may 30%.

Pang-walo at pang-siyam naman sina reelectionist Senators Nancy Binay at Sonny Angara sa nakuha nilang 26%.

Sunod si dating Philippine National Police (PCP) chief at ngayo’y Bureau of Corrections (Bucor) chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na may 25%.

Pasok din sa “Magic 12” si dating Senador Serge Osmeña at Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na nakakuha ng 24%.

Ang SWS survey na ginawa mula September 15 hanggang 23 ay sponsored o ipinagawa ni Presidential Political Adviser Francis Tolentino na nasa 15th place sa naturang survey.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.