Pamilya Binay aayusin ang gusot sa posibleng tapatang Abi vs. Junjun

By Rhommel Balasbas October 12, 2018 - 02:04 AM SHARE(S):

Pag-uusapan ng pamilya Binay ang posibleng maging tapatan nina incumbent Mayor Abigail Binay at kapatid nitong si dating Mayor Jejomar ‘Junjun’ Binay para pamunuan ang lungsod.

Matatandaang inanunsyo ni Mayor Abi ang planong muling pagtakbo nito sa ikalawang termino kasabay ng pag-ugong ng balitang babanggain siya ng kanyang mismong kapatid.

Sa panayam ng reporters, sinabi ni Senator Nancy Binay na susubukan ng pamilya na ayusin ang sigalot.

“Susubukan ayusin para hindi umabot sa ganung scenario,” ani Nancy.

Tumakbo sa pagkaalkalde si Junjun noong 2010 nang tumakbo sa pagka-bise presidente ang ama nilang si Jojo Binay.

Noong 2016 ay pinalitan siya ni Abi at nagsabing muling tatakbo sa 2019 para iwang legasiya sa Makati ang mulit-bilyong pisong subway system project.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.