Inday Sara hindi tatakbo bilang senador ayon kay Pangulong Duterte

By Justinne Punsalang October 12, 2018 - 02:48 AM SHARE(S):

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi tatakbo sa pagkasenador ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Sa isinagawang press briefing pagbalik ng pangulo mula sa Bali, Indonesia ay sinabi nito na walang balak na maging senador o pangulo ng bansa ang anak.

Samantala, inamin naman ng punong ehekutibo na matagal na niyang hindi nakakausap ang anak na si dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Kaya naman sinabi ng pangulo na hindi niya alam kung mayroon bang plano para sa darating na 2019 elections ang anak.

Ani Pangulong Duterte, hinihintay niya na kausapin siya ni Polong upang ipaalam ang plano nito sa halalan.

Nauna nang napaulat na tatakbo muli bilang alkalde ng Davao City si Inday Sara, habang inaasahan namang tatakbo bilang kinatawan ng Davao City 1st District si Paolo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.