Drug pusher patay sa engkwentro sa Bulacan

By Justinne Punsalang October 12, 2018 - 04:18 AM SHARE(S):
Contributed photo

Dead on the spot ang isang sinasabing tulak ng ipinagbabawal na gamot matapos makipagbarilan sa mga otoridad sa Barangay Minuyan Proper, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Kinilala lamang ang nasawing suspek sa alyas na Atay.

Ayon sa mga elemento ng San Jose Del Monte City Police, matapos magkaabutan ng shabu si alyas Atay at pulis na nagpanggap bilang poseur buyer ay nakatunog ang suspek na pulis pala ang katransaksyon.

Agad na bumunot ng baril si alyas Atay at pinaputukan ang mga pulis. Gumanti ng putok ang mga otoridad at doon na naganap ang engkwentro.

Tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tumapos sa buhay ng suspek.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang hindi lisensyadong kalibre 22 na revolver at hindi pa batid na dami ng shabu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.