Rape suspek arestado sa Navotas City

By Justinne Punsalang October 12, 2018 - 04:05 AM SHARE(S):

Naaresto na ng mga otoridad ang isang lalaking suspek sa panghahalay matapos ang kanilang ikinasang operasyon sa Navotas City Fish Port.

Nakilala ang suspek na si Ronel Dionisio na itinuturing na Top 8 Most Wanted Person ng Meycauayan City, Bulacan.

Isinilbi ng mga elementro ng Meycauayan City Police ang warrant of arrest na laban sa suspek. Ito ay inisyu ni Judge Hermenegildo Dumlao II at nakasaad dito na mayroong piyansa ang kanyang kaso na nagkakahalaga ng P200,000.

Sa ngayon ay dinala na sa himpilan ng Meycauayan City Police si Dionisio kung saan niya kakaharapin ang kasong nakasampa laban sa kanya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.