Pangulong Duterte: Mataas na presyo ng langis, dahilan ng pagsipa ng presyo ng mga produkto
Isinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mataas na presyo ng oil products sa patuloy na pagsipa ng presyo ng mga produkto sa bansa.
Sa pulong balitaan sa kanyang pagdating sa Davao International Airport matapos ang pagdalo sa ASEAN Leaders’ Gathering sa Bali, Indonesia, sinabi ng pangulo na kasunod ng pagtaas ng presyo ng langis ay tataas din ang presyo ng mga bilihin.
Iginiit ni Duterte na hindi tulad ng Indonesia, Malaysia at Brunei, ang Pilipinas ay walang sariling pinagkukunan ng langis.
Kung may nagrereklamo man na naghihirap sa ilalim ng kanyang administrasyon, iginiit ng pangulo na siya rin mismo ay apektado ng nararanasan ng bansa sa ngayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.