DFA pinabulaanang mayroong isa pang Pinay na nasa death row sa Indonesia

By Rhommel Balasbas October 12, 2018 - 01:43 AM SHARE(S):

Itinanggi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may isa pang Pinay ang nahaharap sa parusang kamatayan sa Indonesia dahil sa iligal na droga.

Sa isang pahayag, sinabi ng kagawaran na walang Filipino ang sinentensyahan ng parusang kamatayan sa Semarang, Indonesia.

Ayon sa DFA, mayroong Pinoy na nakakulong sa naturang lugar ngunit nahaharap lamang ito sa panghabambuhay na pagkakakulong sa kasong may kinalaman sa bawal na gamot.

Ayon umano sa ulat ng Philippine Embassy sa Jakarta, si Mary Jane Veloso pa lang ang kasalukuyang nasa death row sa bansa.

Patuloy na nakakulong sa Yogyakarta ang Pinay na inaresto noong 2010 matapos mahulihan ng 2.6 kilograms ng heroin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.