Tricycle driver arestado matapos mahulihan ng shabu sa Maynila

By Justinne Punsalang October 12, 2018 - 04:42 AM SHARE(S):

Hindi na makakapamasada pa ulit ang isang tricycle driver matapos itong arestuhin ng mga otoridad dahil sa iligal na droga sa Barangay 576 sa Sampaloc, Maynila.

Nakilala ang naarestong drug suspek na si Kerwin Polmo, 32 taong gulang.

Ayon sa mga pulis, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen tungkol sa pagtatago umano ng shabu ni Polmo.

Nang puntahan ng mga otoridad ang kahabaan ng Domingo Santiago Street ay doon nila nakita ang tricycle driver. Nang kapkapan ay narekober mula dito ang isang sachet ng shabu.

Mahaharap si Polmo sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.