Presyo ng pandesal at Pinoy Tasty hindi tataas – DTI
Hindi magtataas ang bread manufactures ng presyo ng pandesal at Pinoy Tasty hanggang sa matapos ang taong ito ayon sa Department of Trade Industry (DTI).
Sinabi ni DTI Sec. Ramon Lopez na nais ng mga bread manufacturers na makatulong sa bansa at hindi na palalain pa ang pagtaas sa presyo ng mga produkto.
Nagpulong ang DTI at mga opisyal ng Philippine Baking Industry Group kahapon.
Sa datos ng DTI, nanatili sa P21.50 ang presyo ng Pinoy Pandesal habang nanatili rin sa P35 ang presyo ng Pinoy Tasty mula pa noong April 2016.
Hindi rin magbabago ang presyo ng Harinang Pinoy naman na ibinebenta ng flour millers.
Ani Lopez, makakatulong ito para pahupain ang inflation at magkakaroon ng malaking epekto sa pagpapababa ng presyo ng bigas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.