Mga Noche Buena products tataas ang presyo
Asahan na ang pagtaas ng presyo ng mga produktong pang-Pasko sa merkado.
Ito ay matapos aprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hirit na taas-presyo para sa mga Noche Buena products.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, hindi mapipigilan ng ahensya ang price increase dahil mataas ang presyo ng raw materials sa paggawa ng iba’t ibang produktong pang-Pasko, dulot na rin ng mababang halaga ng piso.
Kabilang sa mga madaragdagan ang presyo ay ang:
- creamer – 4-15%
- keso de bola – 5-13%
- cheese – 4-13%
- hamon – 1-5%
- fruit cocktail – 4-7%
- sandwich spread – 1-8%
- mayonnaise – 1-10%
- spaghetti pasta – 1-10%
- macaroni pasta – 1-7%
- spaghetti sauce – 0.3-9%
- tomato sauce – 2-7%
Samantala, sinabi ni Castelo na hindi lahat ng mga brands ng mga nabanggit na produkto ay magpapataw ng taas-presyo.
Kaya naman payo nito sa publiko, humanap ng mga hindi kilalang brands upang makamura.
Epektibo na ang price increase sa mga Noche Buena products ngayong weekend.
Maglalabas naman ang DTI sa kanilang website ng matrix ng mga produktong pang-Pasko at katumbas na presyo na magsisilbing gabay ng mga mamimili.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.