Kris Aquino mayroong chronic spontaneous urticaria

By Justinne Punsalang October 12, 2018 - 12:32 AM SHARE(S):
Kris Aquino Instagram

Isiniwalat ni Queen of All Media Kris Aquino na lumabas na ang resulta sa kanyang medical tests na isinagawa sa Singapore.

Sa kanyang latest Instagram posts ay ibinahagi ni Kris na nadiagnose siya na mayroong chronic spontaneous urticaria na isang autoimmune disease.

Aniya, ikinatakot niya na baka lupus ang kanyang sakit matapos niyang mabawasan ng 15 pounds sa loob lamang ng isang buwan kaya naman nagpatingin na siya sa mga eksperto sa Singapore.

Dagdag ni Kris, bilang gamot ay kinakailangan niya ng mataas na dosage ng antihistamine.

Ibinahagi pa ni Kris na lubhang apektado ang kanyang mga anak dahil sa kanyang sakit. Takot umano si Bimby sa posibilidad na baka mamatay ang kanyang ina, habang si Josh naman ay hindi maintindihan ang nangyayari sa kanya.

Samantala, nagpasalamat ang Queen of All Media sa suporta at panalangin ng kanyang mga taga-hanga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.