Unang araw ng COC filing, mapayapa – PNP

By Isa Avendaño-Umali October 11, 2018 - 09:53 PM

Mapayapa at maayos ang unang araw ng paghahain ng certificate of candidacy o COC kaugnay sa 2019 midterm elections, ayon sa Philippine National Police o PNP.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Benigno Durana Jr., batay sa kanilang monitoring ay wala pang naitatalang election-related crime o insidenteng may kinalaman sa filing ng COC.

Pero hindi magpapakampante ang mga pulis, at sa katunayan ay nakatutok sila at magtitiyak ng seguridad hanggang sa deadline ng paghahain ng COC sa susunod na linggo.

Ang filing ng COC sa iba’t ibang field offices ng Commission on Elections sa buong bansa ay magtatapos sa October 17, 2018.

Samantala, kinumpirma ni Durana na plano ng PNP na makipagpulong sa ilang senatorial candidates, lalo na ang mga nangangailangan ng security assistance.

Gayunman, nilinaw ni Durana na ang security assistance ay ibibigay lamang sa mga kandidato na may aktwal na banta sa kanilang buhay.

TAGS: COC, PNP, COC, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.