Roque sinabing hindi pa sya nagbibitiw; wala pa ring pinal na pasya sa kaniyang kandidatura

Presidential Photo

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi pa siya nagbibitiw sa kaniyang pwesto bilang presidential spokesperson.

Ayon kay kay Roque, kakausapin pa niya si Pangulong Rodrigo Duterte bago magpasya.

Bagaman nakapag-usap na aniya sila ng pangulo ay hindi pa nagkaroon ng pagtatapos sa kanilang naging talakayan.

Umaasa si Roque na bago mag Oct. 15 ay muli silang magkausap ng pangulo.

Si Roque ay matunog na tatakbo sa 2019 elections bilang senador.

Katunayan ayon kay Senator Koko Pimentel III kasama si Roque sa senatorial slate ng PDP-Laban kung tuluyan na itong magpapasya na tumakbo.

Read more...