Sen. JV Ejercito gagamitin ang ‘Estrada’ sa kandidatura

By Jan Escosio October 11, 2018 - 12:59 PM SHARE(S):
Inquirer.net Photo | Cathy Miranda

Para hindi na magtampo ang amang si dating Pangulong Estrada, gagamitin na ni Senator JV Ejercito sa kandidatura ang ‘Estrada’ na apelyido ng ama sa screen o screen name.

Inamin ni Ejercito na sumama ang loob ng ama sa paglipat niya sa Nationalist People’s Coalition.

Dagdag pa ng senador na sa susunod na linggo ay susubukan niyang makausap ang ama para paliwanagan hinggil sa kanyang naging desisyon na iwan ang Partido ng Masang Pilipino na itinatag ng dating pangulo.

Una nang sinabi ni Ejercito na naaasiwa siya na makasama ang kapatid na si dating Senador Jinggoy Estrada sa iisang partido.

Hindi naman kaila sa publiko na hindi maganda ang relasyon nilang magkapatid sa ama.

Aminado din si Ejercito na malaki ang utang na loob niya sa ama at tatanawin niya ito habang siya ay nabubuhay.

TAGS: elections, joseph estrada, JV ejercito, elections, joseph estrada, JV ejercito

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.