Dating miyembro ng Bangsamoro Transition Commission naghain ng COC sa pagka-senador sa ilalim ng LP

By Dona Dominguez-Cargullo October 11, 2018 - 12:14 PM

Naghain ng COC para tumakbong senador sa 2019 elections si dating Bangsamoro Transition Commission member Samira Gutoc.

Si Gutoc na isang civic leader sa Marawi ang unang kandidato ng Liberal Party na naghain ng COC sa pagka-senador.

Sa paghahain ng COC, sinamahan siya ni daitng Presidential Adviser on the Peace Process Teresita “Ging” Deles.

Sinabi ni Gutoc na naghain siya ng COC para madinig ang mga isyu ng Marewi.

Bilang Maranao, maari umano niyang katawanin ang indigenous people at kakatawanin niya ang 10 milyong Muslim sa bansa.

Si Gutoc ay organizer ng Ranao Rescue Team.

Nagbitiw siya bilang miyembro ng BTC matapos magdeklara ng martial law si Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.

TAGS: 2019, COC Filing, comelec, elections, 2019, COC Filing, comelec, elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.