Joy Belmonte naghain na ng COC sa pagka-Mayor; Coun. Gian Sotto running mate niya bilang vice mayor

By Dona Dominguez-Cargullo, Isa Avendaño-Umali October 11, 2018 - 11:16 AM SHARE(S):
Inquirer Photo | Jhesset Enano

Sa local politics naman, nagsimula na rin na maghain ng kani-kanilang certificate of candidacy ang mga kakandidato sa 2019 elections.

Sa Quezon City, nagsumite ng kaniyang COC para tumakbong mayor si Vice Mayor Joy Belmonte.

Running mate naman ni Belmonte si Coun. Gian Sotto, anak ni Senate Pres. Tito Sotto III.

Bilang suporta sinamahan ni Quezon City Rep. Sonny Belmonte ang anak na si Joy sa paghahain ng COC.

Habang narooon din si Sen. Sotto para suportahan ang anak. Kasama din ni Coun. Gian ang kaniyang misis at kapatid na si Lala Sotto na konsehal din sa lungsod.

Ang dalawa ay tatakbo sa ilalim ng Serbisyo sa Bayan Party, na regional party sa Quezon City at kaalyado ng Hugpong ng Pagbabago party na itinatag ni Davao City Mayor Sara Duterte.

TAGS: 2019 elections, elections, Politics, Radyo Inquirer, 2019 elections, elections, Politics, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.