COC ng 2 aspirante sa pagka-senador hindi tinanggap dahil sa maling ginamit na form
Dalawang senatorial aspirants naman ang hindi tinanggap sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) dahil sa paggamit ng maling form.
Hindi tinanggap ng Comelec ang COC ni dating Pagsanjan Mayor Abner Afuang dahil ayon sa poll body luma ang form na ginamit nito.
Ayon kay Atty. Frances Arabe ng Comelec, sa bagong form para sa COC, mayroong dinagdag na item No.22 kung saan tinatanong ang mga aspirante kung sila ba ay nahatulan na sa isang kaso na ang parusa ay diskwalipikasyon sa gobyerno.
Ani Afuang, galing din naman sa Comelec ang form na ginamit niya.
Umalis na lang si Afuang nang hindi naihahain ang kaniyang COC.
Maliban kay Afuang isa pang aspirante na si Carmelo Carreon ang hindi rin tinanggap ang COC dahil sa maling form.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.