Bayan Muna Chair Neri Colmenares naghain ng COC sa pagka-Senador

By Dona Dominguez-Cargullo, Ricky Brozas October 11, 2018 - 10:53 AM SHARE(S):
Makabayan Bloc Photo

Nagsumite na rin ng kaniyang certificate of candidacy si Bayan Muna Chairman Neri Colmenares para tumakbong senador sa 2019 elections.

Kamakailan inanunsyo ni Colmenares na siya ang magiging official senatorial candidate ng Makabayan Bloc.

Samantala, si Dr. Willie Ong na dating consultant ng Department of Health ay naghain din ng COC sa pagka-senador.

Ayon kay Ong, sa ngayon walang duktor sa senado na maaring magsulong at tumugon sa health issues.

Ani Ong mga followers niya sa social media ang nag-udyok sa kaniyang tumakbong senador.

Tatakbo si Ong sa ilalim ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

 

TAGS: 2019, COC Filing, comelec, elections, Neri Colmenares, willie ong, 2019, COC Filing, comelec, elections, Neri Colmenares, willie ong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.