Harry Roque, Bong Go, Bato Dela Rosa, kabilang sa senatorial slate ng PDP-Laban

October 11, 2018 - 10:19 AM SHARE(S):

Kasama si Presidential Spokesperson Harry Roque sa senatorial line-up ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) kung siya ay tuluyang magdedesisyon na tumakbong senador.

Ayon kay Senator Koko Pimentel, maliban kay Roque, kasama na rin sa line-up ng PDP-Laban, sina Presidential adviser on political affairs Francis Tolentino, SAP (Special Assistant to the President) Bong Go, Cong. Monsour Del Rosario, Bureau of Corrections chief Ronald dela Rosa at Maguindanao Rep. Zajid “Dong” Mangudadatu.

Magugunitang wala pa ring pinal na pasya si Roque kung sya ba ay tutuloy sa senatorial bid.

Pero nitong nagdaang mga araw ay may mga pahiwatid na si Roque na iiwan niya na ang pwesto bilang tagapagsalita ng pangulo.

TAGS: 2019 elections, bato dela rosa, bong go, francis tolentino, Harry Roque, PDP Laban, Senatorial slate, 2019 elections, bato dela rosa, bong go, francis tolentino, Harry Roque, PDP Laban, Senatorial slate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.