Ito ang paglilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos may lumabas na mga balita na may Pinoy na sinentensyahan ng kamatayan sa Semarang, Indonesia dahil sa drug smuggling.
Ayon sa ulat ng Philippine Embassy sa Jakarta, tanging si Veloso ang nahaharap sa nasabing parusa nangayon ay nakakulong sa Yogyakarta.
Bagaman mayroon umanong isang Filipina na nakakulong sa bilangguan sa Semarang ay habambuhay na pagkakabilanggo lamang ang hatol dito dahil sa illegal drugs-related crimes.
Apat na taon nang nakakulong si Veloso sa Yogyakarta na ayon sa DFA ay maayos ang kondisyon ng kalusugan.
Noong April 2015, kasama na dapat si Veloso sa siyam na bilanggo na papatawan na ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad, pero siya lamang ang bukod tanging naligtas sa parusa matapos ang pakikipag-ugnayan ng administrasyon ni dating Pangulong Aquino sa pamahalaan ng Indonesia.