Naghain rin ng kaniyang Certificate of Candidacy (COC) ang singer na si Freddie Aguilar.
Ayon kay Aguilar, pinili niyang magsumite ng COC sa unang araw ng filing dahil aalis siya patungong Canada.
Sa Oct. 23 na aniya ang balik niya sa Pilipinas kaya tapos na ang filing sa pagbalik niya.
Ani Aguilar tatakbo siya sa ilalim ng partidong PDP-Laban. Pero ayon kay Sen. Koko Pimentel III, presidente ng partido, walang certificate of nomination and acceptance si Aguilar mula sa PDP-Laban.
Sa kaniyang pagtakbo bilang senador, sinabi ni Aguilar na tututukan niya ang entertainment industry.
Pawang mga ordinaryong tao aniya ang kumumbinse sa kaniya para pasukin ang pulitika at tumakbong senador.
Aminado naman si Aguilar na walang basbas ng pangulo ang pagtakbo niya pero siniguro umano ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go na siya ay susuportahan nito.