Filing ng COC nagbukas na, Sen. Koko Pimentel III, Freddie Aguilar, nakapaghain na ng COC

By Dona Dominguez-Cargullo, Ricky Brozas October 11, 2018 - 08:18 AM SHARE(S):

Si Senator Aquilino “Koko” Pimentel III ang una sa listahan ng mga nakapaghain ng Certificate of Candidacy (COC) ngayong unang araw ng COC filing.

Maagang dumating sa Comelec si Pimentel para magsumite ng COC sa kaniyang ikatlong sunod na pagtakbo bilang senador.

Ayon kay Pimentel nagpasya siyang maagang maghain ng COC sa Comelec para maasikaso niya ang iba pang personal na mga plano.

Sa Oct. 18 ay nakatakdang ikasal si Pimentel kay Anna Kathryna Yu.

Ayon kay Pimentel na siya ring presidente ng PDP-Laban, mayroong anim hanggang pitong kandidato para sa senatorial elections ang partido.

Ang nalalabing slots naman ay para sa magiging guest candidates na hihilingin nilang punan ni Pangulong Duterte.

TAGS: COC Filing, elections, PDP Laban, Radyo Inquirer, Senator Koko Pimentel III, COC Filing, elections, PDP Laban, Radyo Inquirer, Senator Koko Pimentel III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.