P3M halaga ng shabu nasabat sa pamangkin ng big time drug lord sa Cebu

By CDN Reporter Benjie Talisic, Dona Dominguez-Cargullo October 11, 2018 - 07:08 AM

Kuha ni Benjie Talisic, CDN

Arestado ang 19 anyos na lalaki makaraang tangkain ipagpatuloy ang illegal drugs business ng kaniyang drug lord na tiyuhin sa Cebu City.

Kinilala ang suspek na si Fiel Secretaria, 19 anyos, pamangkin ng napatay na drug lord na si Rowen “Yawa” Secretaria.

Sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Pardo Police Station, Huwebes (Oct. 11) ng madaling araw, nadakip si Fiel sa kaniyang bahay sa Barangay Ermita.

Nakuha mula sa kaniya ang ang P3 milyon halaga ng shabu.

Ayon kay Chief Insp. Regino Maramag, hepe ng Pardo Police Station, isinailalim nila sa surveillance ang suspek sa loob ng mahigit isang buwan bago nila ikinasa ang buy bust.

Nang makumpirmang sangkot ito sa bentahan ng ilegal na droga ay agad silang nagkasa ng operasyon.

Tinangka pang tumakas ng suspek pero naaresto pa rin ito ng mga nakaabang na pulis,

Ang tiyuhin ni Fiel na si Rowen ay nasawi sa police operartion sa Banacon Island, bayan ng Getafe sa Bohol nooong May 2016.

TAGS: 19 anyos, Fiel Secretaria, P3M halaga ng shabu, pamangkin ng big time drug lord sa Cebu, Rowen "Yawa" Secretaria, 19 anyos, Fiel Secretaria, P3M halaga ng shabu, pamangkin ng big time drug lord sa Cebu, Rowen "Yawa" Secretaria

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.