Necrological service para kay dating Senador Ernesto Herrera, isinagawa sa Senado
Nagtipon ang mga dati at kasalukuyang mga senador para parangalan si yumaong dating senador Ernesto Herrera.
Bukod sa pamilya at mga kaanak ni Herrera ay dumalo din sa necrological service sina dating Senador Heherson Alvarez, Ernesto Maceda at Joey Lina.
Dumalo din sina incumbent Senators Franklin Drilon, Sonny Angara, Gringo Honasan, Tito Sotto, Loren Legarda, Cynthia Villar at Nancy Binay.
Iprinisinta sa pamilya Herrera ang Senate Resolution 104 na nagbibigay parangal sa nagawa ng dating mambabatas at pakikiramay sa mga naulila nito.
Ang resolusyon na ginawa nina Drilon at Binay ay kumikilala kay Herrera bilang great leader at public servant na inilaan ang buhay sa pagsusulong ng kapakanan at proteksyon sa karapatan ng mga manggagawang pilipino.
Hindi naman naiwasan ni Sotto na maging emosyonal habang nagbibigay ng eulogy sa namayapang si Herrera.
Sa necrological service, sinabi ni Sotto na anim na taon niyang naging seatmate si Herrera at itinituring itong Apolinario Mabini ng makabagong panahon. Simple at humble umano si Herrera.
Sa panig ni dating Senador Lina sinabi nito na kailanman hindi nabahiran ng korupsyon ang pangalan ni dating senador Ernesto “Boy” Herrera.
Para naman kay dating Senador Alvarez, sinabi nito na prinotektahan ni Herrera ang working class.
Ginunita naman ni Angara ang pagsasama nila ni Herrera noong 1986 sa NAMFRE: para sa pagtataguyod ng honest at free elections. Giit ni Angara, isang true democrat si Herrera.
Pagkatatapos ng necrological service ay agad nang ididretso ang mga labi ni Herrera sa Airport para dalhin sa Cebu at ihahatid sa huling hantungan sa November 10.
Si Herrera, na isang polio victim, ay nagsilbi sa Senado mula 1987 hanggang 1998 at naging kinatawan din ito ng Bohol mula noong eight hanggang tenth congress.
Siya ang primary author ng Republic Act 6715 noong 1989 na nag-amyenda sa labor code.
Nakilala rin si Herrera bilang miyembro ng Agrava fact-finding board na nag-imbestiga ng August 1983 assassination kay dating Senador Ninoy Aquino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.