Bali, Indonesia, niyanig ng magnitude 6.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 6.0 na lindol ang Bali, Indonesia.

Tumama ang lindol sa karagatan ng Java at Bali na nagdulot ng panic sa mga residente na nagtakbuhan palabas ng kanilang bahay.

Ayon sa geophysics agency ng Indonesia, wala namang naitalang sugatan o pinsala bunsod ng pagyanig.

Naitala ang epicenter ng lindol sa karagatan ng Bali sa 40 kilometers ng eastern Java Island.

 

Read more...