LPA sa loob ng PAR, natunaw na – PAGASA

Natunaw na ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa 4am weather update ng weather bureau, easterlies o hangin mula sa dagat-Pacifico lamang ang makakaapekto sa ilang bahagi ng bansa.

Sinabi rin ng PAGASA na sa loob ng dalawa o tatlong araw ay walang sama ng panahon ang inaasahan sa loob ng PAR.

Maalinsangang panahon ang mararanasan sa buong bansa na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat na dulot ng localized thunderstorms.

Read more...