2 holdupper patay sa engkwentro sa Quezon City

By Justinne Punsalang October 11, 2018 - 04:48 AM SHARE(S):

Dead on the spot ang dalawang lalaki matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay San Antonio, Quezon City.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang dalawang kalalakihan na sinasabing mga holdupper.

Ayon sa hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Station 2 na si Superintendent Rodrigo Soriano, lumapit ang isang babae sa mga nagpapatorlyaang pulis upang ireklamo na biktima siya ng panghoholdup.

Itinuro ng biktima kung saang direksyon nagtungo ang mga suspek na aniya’y sakay ng motorsiklo.

Agad na nagtungo ang mga pulis sa itinurong direksyon ng biktima at naabutan ang mga suspek sa San Jose Street sa kaparehong barangay.

Doon nagsimula ang engkwentro na ikinasawi ng mga dalawang lalaki.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang baril, partikular ang isang kalibre 38 at isang kalibre 357.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.