VP Leni ibabalik na sa ‘line of succession’ sa draft ng federal charter ng Mababang Kapulungan
Ibinalik ng Mababang Kapulungan sa Committee on Constitutional Amendments ang draft ng federal charter para amyendahan ang probisyon na nagtanggal kay Vice President Leni Robredo sa line of succession sa pagkapangulo.
Matatandaang inulan ito ng batikos dahil sa nasabing draft, ang Senate President ang piniling sumalo sa pagkapresidente sakaling may maganap sa transition period.
Naghain ng mosyon si Cebu City Rep. Raul del Mar na ibalik sa komite ang draft para ibalik si Robredo sa pagiging successor ni Pangulong Rodrigo Duterte sa transition period patungong federalismo.
Nangako naman si House Majority Leader Rolando Andaya na isusumite ng mayorya ang amyenda sa komite sa takdang panahon.
Umani ng batikos partikular sa oposisyon ang pagtanggal kay Robredo sa line of succession.
Tinawag din ng bise presidente ang hakbang na desperado.
Sa kasalukuyang Konstitusyon, bise presidente ang hahalili sakaling may mangyari sa pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.