Dalawang associate justice ng Korte Suprema ang tinanggap na ang nominasyon upang maging bagong punong mahistrado.
Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevara na isang ex-officio member ng Judicial and Bar Council (JBC) na tinanggap nina Supreme Court Associate Justice Lucas Bersamin at Diosdado Peralta ang nominasyon para sa pagka-CJ.
Bukod sa dalawa, ay sinabi na rin ni Senior Associate Justice Antonio Carpio na wala nang dahilan para tanggihan niya ang nominasyon bilang susunod na chief justice ng Kataas-taasang Hukuman.
Nakasaad sa batas na ang mga pinaka-senior na hukom ng Supreme Court ay otomatikong nominado bilang punong mahistrado; kabilang dito sina Associate Justice Mariano del Castillo at Estela Perlas-Bernabe.
Nagretiro na si Teresita Leonardo-de Castro bilang punong mahistrado matapos nitong saglit na manungkulan sa posisyon dahil naabot na niya ang mandatory retirement age na 70 taong gulang.