Pangulong Duterte ginawaran ng ‘Order of Lapu-Lapu’ ang napatay na PDEA agents

By Rhommel Balasbas October 11, 2018 - 01:09 AM

Malacañan Photo

Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang burol ng limang agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na napatay sa ambush sa Lanao del Sur.

Ayon sa pahayag ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), iginawad ng pangulo ang Order of Lapu-Lapu, Rank of Kalasag sa mga kapamilya ng mga biktima.

Ang Order of Lapu-Lapu, Rank of Kalasag ay iginagawad sa mga nagbuwis ng buhay sa pagsisilbi sa bayan.

Bukod sa parangal ay nagbigay din ng tulong pinansyal, burial at employment assistance ang pangulo.

Nagtungo rin sa burol si PDEA Director General Aaron Aquino at kinondena ang ginawa laban sa limang drug enforcement officers.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.