Archdiocese of Cebu, handa na sa pagdating ng heart relic ni Padre Pio

By Rhommel Balasbas October 11, 2018 - 02:37 AM

UST

Inihayag ng Archdiocese of Cebu ang kahandaan nito sa pagdating ng heart relic ni Padre Pio.

Ngayong araw ay darating na sa Cebu ang relic at maglalagi hanggang sa October 13.

Isang farewell mass ang isasagawa mamayang alas-6:00 ng umaga sa Manila Cathedral-Basilica bago ito dalhin sa Cebu.

Ayon kay Archdiocese of Cebu media liaison Monsignor Joseph Tan, pinaghandaan nang husto ng San Padre Pio Contemplative Community of Cebu (SPPCCC) at ni Monsignor Roger Fuentes ang pagdating ng heart relic.

Ayon kay Tan, inaasahang dadagsa ang mga deboto sa mula sa iba’t ibang bahagi ng Visayas para sa veneration ng heart relic.

Dadalhin ang relic sa Cebu Metropolitan Cathedral at IEC Convention Center sa Cebu City.
Dumating ang heart relic ni Padre Pio sa Pilipinas noong October 9 kung saan libu-libo ang nag-alay ng dasal sa Maynila mula noong araw ng Lunes.

Matapos ang Cebu ay dadalhin ito sa Archdiocese of Davao at maglalagi roon hanggang October 16 bago ibalik sa Batangas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.