Kaso ni Mary Jane Veloso hindi tatalakayin nina Duterte at Widodo
Hindi matatalakay sa nakatakdang pagpupulong ngayong araw nina Pangulong Rodrigo Duterte at Indonesian President Joko Widodo ang kaso ng Pinay na si Mary Jane Veloso.
Ito ang inihayag ni Philippine Ambassador to Indonesia Leehiong Wee sa Malacañang reporters at iginiit na napag-usapan na ng mga lider ang kaso ng pinay ng dalawang beses.
Nasa Bali, Indonesia ngayon si Pangulong Duterte para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Leaders’ Gathering.
Bagaman hindi bahagi ng agenda ng pangulo, tiniyak naman ni Wee na ginagawa ng embahada ang lahat para maging maayos ang kalagayan ng Pinay.
Anya, bukod sa pagtulong sa kaso ay binibigyan din ng financial assistance si Veloso.
Giit pa ni Wee, maayos ang kalusugan nito at nakakadalaw rin ang kanyang mga kamag-anak.
Personal niya umanong bibisitahin ito sa mga susunod na panahon.
Nahaharap sa death row si Veloso at nakatakda na sanang sumailalim sa firing squad dahil sa kaso ng drug trafficking.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.