Survey tungkol sa mental health ni VP Robredo peke ayon sa SWS

By Rhommel Balasbas October 11, 2018 - 12:32 AM SHARE(S):

Tinawag na ‘fake news’ ng Social Weather Stations (SWS) ang article na inilathala sa website na Daily Readers na naglalaman ng umano’y survey tungkol sa estado ng mental health ni Vice President Leni Robredo.

Ayon sa article, 45 percent ng mga Filipino ang naniniwalang may mental problem ang bise presidente.

Iginiit ng SWS sa isang pahayag na wala silang isinagawang kahit anong survey tungkol sa kalagayan ng mental health ng kahit sinong opisyal ng gobyerno o personalidad.

Mariing kinondena ng SWS ang pagpapakalat ng pekeng balita na may malisyosong layon.

Hinimok din ng SWS ang publiko na tumingin lamang sa kanilang official website na www.sws.org.ph para sa mga lehitimong survey.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.