Kasalukuyang binabayo ng Hurricane Michael ang Florida Panhandle.
Dala nito ang hangin na abbot sa 155mph at maituturing na pinakamalakas na bagyong tumama sa mainland ng Estados Unidos sa loob ng halos 50 taon.
Dahil dito ay nasa Category 4 na ang naturang bagyo.
Pinangangambahan ngayon ng mga residente at otoridad ang ‘potentially catastrophic’ na epekto ng pagbayo ng bagyo katulad ng mapanganib na storm surge o daluyong.
Kaya naman naglabas na ng evacuation orders para sa 375,000 residente ang mga otoridad sa 22 counties ng Florida Gulf Coast.
Samantala, sinabi naman ni US President Donald Trump na nakausap na niya si Florida Governor Rick Scott at handa ang pamahalaan na tumulong sa mga maapektuhan ng Hurricane Michael.
MOST READ
LATEST STORIES