Senate slate ng oposisyon para sa Halalan 2019 ilalabas sa October 24
Isang gabi bago ang filing ng Certificates of Candidacy (COC), inihayag ni Vice President Leni Robredo na sa October 24 nila iaanunsyo ang posiyal na senate slate ng Liberal Party para sa 2019 midterm elections.
Sa panayam sa 5th Provincial Congress of Negros Occidental Small Fishers Alliance sa Bacolod City, sinabi ng bise presidente na dapat noong Martes iaanunsyo ang mga kandidato ng oposisyon.
Gayunman anya ay mayroon pang inaayos ang kanilang grupo.
Kabilang umano rito ay ang usapin kung kukumpletuhin ba ng oposisyon ang 12 slots o hindi.
Giit ni Robredo, nais niya sanang walo lang ang isabak sa Senado dahil gusto niya ng dekalidad na mga kandidato at hindi yaong mga ‘winnable’ lamang.
Nauna nang pinangalanan ng Liberal Party ang tatlong opisyal na kandidato ng partido na sina Senator Bam Aquino, dating Deputy Speaker Lorenzo Tañada III at Atty. Jose Manuel Diokno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.