Dahil dito ay naglabas ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng traffic advisory at rerouting scheme para sa mga motorista.
Sarado ang magkabilang direksyon ng Roxas Boulevard at NAIA road mula Katigbak hanggang MIA simula alas 12:01 ng madaling araw ng November 16 hanggang November 20.
Simula naman alas 6:00 ng umaga hanggang hatinggabi ng November 18 ipatutupad ang road closure sa Mall of Asia Arena.
Nagtalaga rin ang MMDA ng designated APEC lanes sa kahabaan ng EDSA.
Para lang sa authorized vehicles ang dalawang innermost lanes ng EDSA mula Shaw boulevard hanggang Roxas Boulevard sa magkabilang direksyon mula November 16 hanggang 20.
Puwedeng gamitin ng mga motorista ang Mabuhay Lanes na alternatibong ruta papunta sa kanilang mga destinasyon.
Paalala naman ng MMDA, mayroon pa ring number coding mula November 16 hanggang 20.
Mananatili naman ang daytime truck ban sa mga bibiyahe sa South at magagamit lang ang ruta mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 6:00 ng umaga.
Pero ipapatupad ang 24-hour truck ban sa kahabaan ng Roxas Boulevard mula November 17 hanggang 20.