House bill na layong amyendahan ang HIV-AIDS Law, niratipikahan

Niratipikahan na ng Kamara ang panukalang Philippine HIV and AIDS Policy Act of 2018.

Layon ng panukalang batas na palitan ang dalawampung taong Philippines AIDS Prevention and Control Act.

Sa isang statement, pinuri ni Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao ang ratipikasyon ng bill na aniya’y “long overdue.”

Nais iparating ni Bag-ao sa mga Pilipinong may HIV at AIDS na alam ng mga mambabatas ang kanilang mga sitwasyon.

Oras na maratipikan ng Senado, ang bill ay ipapadala kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang pirma.

 

Read more...