Team PH, naka-17 medals na sa 2018 Asian Para Games
Umakyat na sa labing pitong medalya ang nakamit ng mga atletang Pilipino na kalahok sa 2018 Asian Para Games, na ginaganap sa Indonesia.
Batay sa medal tally as of 5:00 PM ng October 10, 2018, ang mga gintong medalya ng Team Philippines ay nasa lima na; anim naman ang silver medals habang anim ang bronze medals.
Ang pinakahuling gold medalist ay ang Pinoy chess team na binubuo nina Sander Severino, Jasper Rom at Henry Roger Lopez para sa Men’s Team Standard P1.
Gold medalist din sina Redor Menandro, Arman Subaste at Israel Peligro matapos magwagi sa Men’s Team Standard VI – B2/B3, sa larong chess din.
Silver medalist naman sina Kim Ian Chi at Samuel Matias sa Bowling Mixed Doubles.
Samantala, nananatiling numero uno sa medal tally ang China na may kabuuang 161 medals, na sinundan ng Korea na may 76 total medals.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.